Lima kming magkakaibigan. Nagkakilala pa nuong high school. Iisa ang aming section at iisa rin halos ang mga hilig.
Minsan kami nagkasama-sama, napagkasunduan namin ang umakyat sa bundok. Ako at si Tonio ang may karanasan na sa pag-akyat sa mga bundok. May sarili kaming mga grupo na sinasamahan nuon pero ngayon ay kami ng buong magkakaibigan ang sama-sama sa isang grupo.
Una naming napagkasunduan ang Mount Maculot, dito namin tuturuan ang tatlo pa naming kaibigan na sina Enan, Niel at Egay. At dito rin namin lahat makikilala ang isat-isa kung ano ang aming lakas at kahinaan.
Inakyat muna namin ang daan patungong "Rockies" ng Mt. Maculot. Medyo may kahirapan ang daan dito dahil pulos bangin na halos ang babaybayin namin. May nakausap pala kaming mangangaso o "hunter" sa bundok. Tinanong kami kung bakit kami duon dumaan dahil ipinagbabawal na daw muna ng barangay nila ang pag-akyat ng mga mountaineers duon dahil may umakyat daw na apat na lalaki duon sa rockies at nagkamali sila ng dinaanan. Inakyat ng mga taga-barangay ang mga mountaineers na di nag-report sa kanilang pagbaba nito. Dahil kapag ang isang grupo ng mga umaakyat ay di nagpaalam minsan sa barangay na kanilang pinaglistahan ay ibig sabihin nito ay may nangyari nang masama sa mga umakyat. Nakita ang isa sa bangin na nakasabit o naipit ng mga baging ang braso nito pero ang tatlo pa nitong mga kasamahan at dumeretso na sa ibaba at ito ay ang sanhi na ng kanilang ikinamatay. Meron rin daw kamakailan na umakyat sa Mt. Maculot na isang lalake at tatlong babae. Pawang naligaw yata sila ng daanan kaya sa bundok na lang sila daw nagpalipas. Suwerte nila at nakita sila ng mangangaso at natulungan sila pababa ng bundok.

Kaya naman pala ipinagbabawal na itong daanan dahil sa mga masamang pangyaya rito. Sana ay wala nag sumunod na iba pang mga ganitong pangyayari sa mga kapwa naming mountainners.
Babalikan namin itong bundok na ito sa Marso para duon naman kami sa may groto pupunta at sa mismong tuktok nito.
At ang ipinangalan pala namin sa grupo namin ay Sanyapak o isang yapak. Napagkasunduan namin ito pagkauwi namin sa Manila. At dito na magsisimula ang mga bagong pakikipagsapalaran ng Sanyapak!
At ang ipinangalan pala namin sa grupo namin ay Sanyapak o isang yapak. Napagkasunduan namin ito pagkauwi namin sa Manila. At dito na magsisimula ang mga bagong pakikipagsapalaran ng Sanyapak!
4 comments:
I miss Mt. Maculot, twice p lng aq nakaakyat jan papunta sa groto with my cousins. 2007 and 2008 holy week. 1st na akyat q sbi nla mg wish daw aq after nmin mg Way of the Cross. Natupad ung wish q...after a week ata natuloy n rin ang flight q going to Denmark. And last year nkapagbakasyon aq jan. It happened na holy week din kya umakyat ulit kmi. Sbi q kc gusto q ng gawing panata un every holy week. And I made a wish again pra makalusot aq sa Phil. immigration pabalik ng Denmark. Without any problems or hndi q na need mg escortage fee. Natupad ulit. It's really a blessing for me. But sad to say, this year I can't make it. Nxt time n lng ulit. And hopefully, maksama q sa adventure ng buong tropa ng Sanyapak. More powers dudes..!
parang kilala kita....
ikaw ba yan liz?
hehe, nyway, iaakyat na lang kita kita kasi babalik naman kami jan.
jan muna kasi kami naghahasa ng mga kakayahan namin eh, hehe.
ingats and thanks for visiting our site.
hehehe...yeah its me..=)
ngpractice n rin aq d2 sa Norway. bundok inaankyat q going to school ng kid. Hirap nga eh..lalo na ngaun grabe ang snow.
pg uwi q n lng jan...join aq sa inyo kng my plan kau.
have a nice day.
hahaha...ang ganda ng picture ko dyan sa groto ng makulot.pano ba naman ako yung naka lagay sa krus tapos may tatlong hudyo sa ibaba ko.hahaha.... miss ko na pag akyat ng budok dyan sa pinas!huhuhu.. =(
Post a Comment